Thursday, September 10, 2009
Blessing!
May trabaho na ko. I'll start tomorrow.:) Daming blessings sunod sunod. Aside from the job, may nakuha pa kong project.. I got a text kasi kaninang umaga na nagiinquire about me making their logo. I met them kanina at San Juan and I'm glad that I got the project. I'm at church right now, nagpapahinga. Galing kasi akong Makati and San Juan. I'm a little tired pero excited.:D
Monday, August 17, 2009
23
Ngayon, ay sinecelebrate ko ang aking ika-23rd birthday. Thank you sa lahat ng bumati at nagtext. Salamat.
Sana dumating na ang trabaho para saakin, dahil pag dating ng September at wala pading dumadating. Maghahanap na ko ng iba kahit walang koneksyon sa course ko dahil kailangan ko na gumawa ng paraan para makapag-generate ng sariling income. Kesa andito lang ako sa bahay, at least pwedeng magipon.
Saturday, August 15, 2009
Esperanza Experience
Isa sa mga pinakamasasayang pangyayari sa aking buhay ay nangyari kanina. Galing ako ng concert ni Esperanza Spalding. Grabe! I enjoyed it talaga. Birthday gift sakin ni Zarah my love to. I didn't expect na eto pala ang magiging gift niya sakin kasi di naman sha mahilig sa concert-concert, but hey, she enjoyed it as well. Thank you talaga dear Zarah:* MWAH!Una naming inattendan ang bass clinic niya, which was scheduled 3 pm. Medyo matagal kami nag-antay. Natatawa ako nung nilabas na yung double bass nia. Nagpalakpakan yung mga tao. Wala pa naman siya. Bass pa lang. After ilang mahabang minuto, lumabas na si Esperanza. Grabe ang ganda niya, and the hair! Soft and bouncy:) HAHAHA. Type namin ni Zarah ang hair niya. Di malayong magpakulot kami one of these days!!
Ang saya ng clinic. Bawat sinasabi niya ay may saysay.. very informative. Malalim masyado for me but she explained it in a way na napakalinaw. Sana mareach ko din ang level niya. Imagine, kaya niyang magscat habang tumutugtog ng double bass. May nagtanong nga sa question and answer kung pano nia nagagawa yung dalawang magkaibang bagay, eh ang hirap non. Ang sagot niya napakasimple. Sabi nia, "It's not that difficult blah blah blah." She didn't said it in a "mayabang" way. GIFTED!!!!!
After the clinic, kumain kami ni Zarah sa Harbour Square. Then bumalik sa Sofitel to find the location of the concert. Iba kasi kesa sa clinic. Nung papunta na may nasalubong kaming grupo ng mga foreigner na may dalang mga instruments. Napansin ko sila dahil ang tatangkad. Nung makalagpas kami na kaunti, narealize ko na si Esperanza pala yung nasa gitna. Hindi ko napansin kasi nakatingala ako dun sa matatangkad. Sayang may picture na sana ako with her at hindi puro buhok ang nakuha ko gaya nung sa meet and greet kanina.
I also met some of my friends noong nag-aaral pa ko sa UST. Konting kwentuhan at kumustahan. Ayos!
I enjoyed the concert. Daming mga celebrity lalo na from the music industry. Ang nagopen kay Esperanza ay ang Yosha. Tagal ko na silang gustong panoorin pero ngayon lang nagkaroon ng pagkakataon. Grabe! Pinasabog lang naman nila ang utak ko sa excitement. Ang sarap nila tumugtog. Silang lahat. I'm so happy na alam ko lahat ng kanta nila sa album kaya talagang nag-enjoy ako. Basta di ko maexplain. Nabaliw ako.
After that, si Esperanza naman. Ang lupit din. She did a lot of songs from her album, "Esperanza". Gaya ng sa Yosha. Enjoy ko din lahat ng mga songs niya dahil alam ko. Lalo na yung Precious, Fall in, I know you know. WOOOH!
After the concert. We waited for her outside the venue, kasi may meet and greet daw. Nagc.r. muna ako kasi ang tagal naming nagaantay. Pag balik namin, dinumog na siya ng nagpapaautograph. Sinubukan kong magpicture kaso wala ang hirap. Halos puro buhok ang nakukuha ko. Dibale next time:) Sana meron.
ENJOY TALAGA AKO!
Thursday, June 4, 2009
Panalo ang Lakers sa Game 1!
Nagising ako ng maaga kanina kahit puyat kagabi. 8 AM palang! Wala naman gumising sa akin. Alam kasi ng katawan ko na NBA Finals ngayong umaga ng 9AM. Ayos nga kasi advance ako ng 1 hour nagising kaya nahimasmasan na ang sarili. Masakit man ang ulo at maantok antok pa. Okay lang! Nagbalik na ang dati kong hilig sa panonood ng basketball! Sabagay, finals eh!
Sana mas exciting ang laban sa susunod. Excited na ko!:)
Thursday, May 28, 2009
Fatman Returns
Paano ba magpapayat? Kailangan bang mag-enroll sa gym? Kailangan ko nang pumayat. Nagrereklamo na ako sa sarili ko. Tumataba na ako. Lumalaki na ang tiyan ko. Ayokong tumanda ng ganito.
Kailangan ko nang puamayat talaga. Kailangan.
Sana magkatrabaho na ako para kahit papano kumikita na ng pera ng tuloy tuloy. Ieenroll ako ang sarili ko sa gym para manghinayang ako sa aking binayad at pilitin kong magexercise. Sana lang hindi hectic ang schedule sa trabahong dadating. Pero kung iyon ang solusyon para pumayat ako okay lang sa akin ang madugong trabaho.
Naiinis ako. Gusto ko na talagang pumayat. Pipilitin kong kumain ng kaunti. Pipilitin kong hindi na um-order ng extra rice hangga't maaari. Layuan niyo kasi ako mga tukso sa paligid --masasarap ng mga pagkain. Hindi ako makaconcentrate para maging payat.
Kailangan ko nang puamayat talaga. Kailangan.
Nagmamakaawa ako sa aking sarili. Huwag ka nang masyadong kumain ng kung ano ano. Lalo na yung mga nakakatabang pagkain. Alam kong di mo kasalanan ang maging "hobby" ang pagkain pero kailangan mo nang tigilan ito.
Parang awa mo na, para sa akin.
Kailangan ko nang puamayat talaga. Kailangan.
Ang Panaginip -- Celebrity Edition
Bakyang bakya na ako. Nanaginip nanaman ako kagabi. Siguro kakanood ko sa Youtube ng mga Rhian Ramos. Haha. Nasisiraan na ata a ko ng ulo! Addict na masyado. Nanood ako nung palabas na inaayos yung bahay niya, parang "Home Makeover" type ng palabas. Medyo luma na eh 2007 pa ata yun. Pinakita yung bahay niya at kwarto niya, may drumset pala siya at collection ng drumsticks. Mahilig din sa music. Mukhang bata padin kasi siya don. Pati yung Balikbayan inulit ko ulit, napanood ko na dati yun eh, kaso medyo nakalimutan ko na. Hehe.




Balik sa panaginip, isa nanamang colored at malinaw na panaginip ang aking nilakbay kagabi. May pagkaweird yung istorya. Siguro nagkahalo-halo lahat.

Meron ngang part na nasa isang lugar ako--- parang mabundok eh. Si Brznf ay nasa kwarto at ako'y nasa isang lugar ng biglang sumugod ang mga Tribo -- mga maiitim na taong nakabahag na may nakapint
a sa katawan. Akala ko nga susugurin kami, kinabahan ako. Hindi pala. Tinawag lang niya kami dahil may kompetisyon sa tuktok ng bundok na maari kaming manalo ng 1 million pesos. Ginising ko si Brznf para mapicture-an niya yung mga pangyayari dahil sobrang rare opportunity ito.

Nang papunta akong bundok, isang sobrang pamilyar na lugar ang aking dinaanan, Samson Road pala sa may Sangandaan (sa panaginip hindi ko alam na Samson Road ito). Nasalubong ko si Ryan Agoncillo na isang sidecar driver sa aking panaginip. Tipikal na naka T-shirt at may tuwalya. Nakangiti niyang tinanong kung san ako pupunta at pinapasakay niya ko sa sidecar niya. Tumanggi ako at sinabing maglalakad nalang kasi sa bundok ako pupunta. Nang makalayo ng kaunti. Naisip kong sumakay nalang ng jeep dahil sobrang layo pala ng bundok.
Tumalon na sa ibang scene, habang naglalakad may nadaanan akong Supermarket. Tila supermaket ng 90's ang ichura. Weird lang dahil may mga iba't ibang computer chair na nasa labas nito. Naalala ko nga, umuulan ng mga panahong iyon. Tapos inisip ko pano kaya yung mga balat nung computer chair. Pagtingin ko nakaplastic pala.

Sa panaginip ko din naging seatmate ko at talkmate si Mayor Alfredo Lim. Sa iskwela ang setting eh. Dumating siya at napakadami naming pinagkwentohan. Nalimutan ko na yung mga pinag-usapan namin pero napakalinaw non nung mismong panaginip. Iniisip ko nga kung magpapapicture ako sa kanya sa cellphone ko pero nahiya ata ako at hindi ko na nagawa iyon. Sa likod ko nakaupo si Brznf. Sinenyasan ko nga siya na parang, "O ha! Kausap ko si Mayor!" pero hindi eksaktong ganon. Sa harap ni Mayor, nakaupo si Rhian Ramos.

Weird nga kasi lower batch pala siya nung kinausap namin after nung klase. Chinika muna namin. Hindi siya artista sa panaginip ko, isang ordinaryong istudyante lang. Niyaya naming lumabas nang mga kaibigaan ko sa church (bigla silang pumasok sa eksena). Mabait siya sumasagot sa mga tanong namin. Una nga hindi siya sasama sa lakad namin pero napilit din, sabi ko kasi, hahatid nalang namin siya pag-uwi sabay tanong kung saan siya nakatira. Sabi niya, sa may Bambang lang daw. Kahit doon nalang daw siya ihatid. Chinika ko ulet siya at sinabing napanood ko nga sa youtube na inayos yung kwarto niya at minake-over. Tinanong ko kung kapatid ba niya yung sa ending ng palabas na nag surprise sa kanya. **Noong ending kasi nung palabas sa youtube may special guest. Kuya niya. Pero hindi noong time na nanonood ako, tinanong ko ang sarili ko kung kuya niyang buo or kuya friend niya. Sabi niya kasi sa palabas na yon, my brother in Christ. Sinagot naman niya ako, sabi niya hindi daw niya kapatid, kuya friend lang daw niya. After non chinika ko pa din siya, sabi ko, "May drumset ka pala sa kwarto ha?" Sabi niya, "Oo". Yun lang ang naalala kong sagot niya. Unti unti nang lumabo ang eksena. Hindi ko na nasaksihan yung paglabas namin ng grupo. Lumabo na ang paligid. Lumabo na ang istorya.
Unti unti nang lumabo ang eksena... Umaga na pala.
**Lahat ng larawan ay hindi ko pagmamay-ari.**
Subscribe to:
Posts (Atom)